Minsan, hindi pala minsan... Kadalasan.. Makakaranas tayo madapa. Yung dapang dapa talaga... Oo, yun tipong lumapat na ang muka natin sa lupa... Sa batanguenio ika nga e subsob na. Masakit...pero palagay ko di nagtatapos dun ang istorya e. Feeling ko... May kasunod pa.
Correct!
Ano pa, e di tatayo. May napanood ako na video mula sa isang kaibigan nung pakiramdam ko'y katapusan na ng career ko sa trabaho... Sabi doon,
"If you fail, try and try...and try...and try."
Bakit? Kasi hindi ka man nabigyan ng pagkakataon na gawin tama sa unang beses... May pangalawang pagkakataon pa naman... Di ba? Pero hindi yun excuse para ulitin mo ang nagawa mong mali.
At hindi ibig sabihin na nagkamali ka, titigil ka na... Magpahinga ka muna pero wag ka titigil. Tumigil ka pag tapos na.
Oo, minsan masakit talaga at mahirap tanggapin... Kahit saang aspeto, nawalan ka man ng bagay na pinapahalagahan mo, o di kaya naman ay naloko ka... O kaya e bumagsak ka sa exam, marami pang pagkakataon bumawi... Pwede din na nagsisisi ka sa bagay na di mo nagawa...
Pero ang tanong...
"Anong problema don?"
Di mo man maitama o maibalik, may pagkakataon ka pa para magawa...o bumawi. Maraming oras...
Oo... Iba't iba nga ang tao... May iba na kahit sobrang nasaktan ok lang... Di mo maririnig ang salitang "ARAY". Meron namang iba na konteng sakit lang, kung maka-react naman ay wagas... Pero di ba maya maya naman ay wala na ang sakit? Di ba maya maya naman e wala na yung sugat?
Pag nawalan ka, wag mo agad isipin na may mas magandang papalit... Ang una mong gawin ay magpasalamat, dahil nabigyan ka ng pagkakataon na magkaroon ng ganong bagay...o kung sa tao man, nabigyan ka ng pagkakataong makasama at makapiling ang taong yon.
Ay, napakapositive ko ata ngayon. Kasi, kung magiging bitter ako, ano bang makukuha ko? Mas sinusugatan ko pa ang sarili ko, mas masasaktan ako sa sugat na dapat ay humilom na...
Tama yung kasabihang forgive and forget pero sa tingin ko, sarili mo lang ang lolokohin mo pag ginawa mo yun... Dahil pag nasakatan ka ng sobra, nakatatak na sayo yun, yun ang di mo malilimutan kahit na sabihin mong nakamove-on kana...
Siguro, ang tamang salita don ay,
Just be yourself.
Kung galit ka sa taong yun, e di magalit ka.
Wag mo kausapin, kung yun ang magpapaluwag ng puso at utak mo...
Pwede mo din plastikin kung di ka nahihiya sa sarili mo dahil brown bag na ang uso...
Pero kung keri lang naman na patawarin mo, e di mas magaling. Mas maluwag.
Wag lang ang lolokohin mo ang sarili mo sa gusto mong gawin na hindi mo naman kaya...
Kung gusto mo ng kausap, meron akong kilala na di ka iiwan kahit nasaan ka man o kahit itutulog na ng mga tao... Itiklop mo lang ang iyong kamay, ipikit mo ang iyong mga mata...at ayan na Sya. Pwede ka din umiyak pag sa tingin mo'y di na talaga kaya. Wag mo lang susukuan ang mundo sa problemang kaya naman solusyunan.
Ano, OK na? Sa tingin ko naman may point ako kahit papano... Sana nakatulong.
Kahit papaano.
#lovefreedom
Lesson should be then learned:
Yourself to STIL.LET.TO live...
STIL.LET.TO love...
STIL.LET.TO enjoy every blessing that comes and still COMING.
More to come. Right?


